
Hala Bira! HALA BIRA! Ikinagagalak ni Juana na maging panauhing kusinero si Ken Ilio. Si Ken (o Manong Ken sa mga masugid na tagasubaybay ng kanyang mga haka-haka sa Soc.Culture.Filipino), ay isa sa mga cyberkatsika ni Juana at kaakibat sa pakikidigma laban sa AIDS. Higit siyang kilala bilang angel de la guardia ng Tribung Pinoy at Best of Cyberpinoys.
Di na po siguro kailangang ipaalam sa mga mambabasa ng kanyang mga website na si Manong Ken ay isa ring alipin ng pugon. Isa sa mga bahaging matatagpuan sa Tribung Pinoy ay ang kanyang mga paboritong recipe. Para sa Kusina ni Juana ay malugod na inihahandog niya ang ulam mula sa kanyang lalawigan ng Aklan. Inyong lasapin di lamang ang sarap ng kanyang handa kundi pati ang indayog ng salitang Aklanon.
Ro Manok Nga Inubaran (Manamit sa Tanan nga Tinoea sa Akean)
Mga sangkap: - manok, kiniwa-kiwa - ubod it Saging - siniad nga pino - payok - tangead - asin - eanggaw - sibuyas - bawang - rikado - mantika Gisahon ro bawang ag sibuyas. Idugang ro kiniwa nga manok, gisahon man. Idugang ro payok hasta mag bukae. Idugang ro tangead ag ro ubod it saging. Asinan ag idugang ro rikado. Kon amat hay ginadugangan man it eanggaw, depende sa panlasa. Ipabukae hasta maghomok ro manok.
11.IV.1997 ![]()
| SA KUSINA NI JUANA |
| PAMBUNGAD | ANG MGA NILALAMAN | ANO'NG ULAM? | O, KAY TAMIS! |
| CYBERLONGGANISA | BAGONG LUTO!!! |
| MGA TIRA |