bayawak


nilalaman


Dalawa ang kategorya ng pagkaing matatagpuan sa mesang Pilipino: ang ulam at ang pangmatamis. Ang mga pampagana (appetizers), ensalada’t sopas na kadalasa’y mga hiwalay na kategorya sa lutuin ng ibang bansa’y itinuturing na ulam sa ating hapag-kainan. Sakop naman ng pangmatamis ang anumang pagkaing maaaring ihapag bilang meryenda o panghimagas.

Ano'ng Ulam?
Matatagpuan dito ang ilan sa mga recipe na nakagiliwan ng mga panauhin at kasulatan ni Juana, mga paboritong ulam na inupuan nina John Silva't Jonathan Best; Kalderetang naibigan nina Larry at Therese Cruz; Guisadong Sitao na may Chorizong Macao na minatyagan ni Randy David; Pasta Sauce na may Inihaw na Talong, Siling Kano't Gawang-bahay na Longganisa na itinanim sa alaala ni Willy Verzosa; Ginataang Manok na nakatuwaan nina Butch at Candy Bandong; Callos para kay Thelma Estrada; Mechadong iniyakan ni Nerissa Balce-Cortes; Sizzling Sisig na kinulit ni Mihali Felipe; at ng Menudong binusabos ng isang kalbuhing butete.

O, Kay Tamis!
Tampok sa bahaging ito ang mga pangmeryenda't panghimagas na pumasa sa matataray na panlasa nina Direk Joey Reyes, Doreen Fernandez, at Nic Tiongson, na siya ring naging sanhi ng paglolobo ni Juana. Mayroon rin itong mga recipe ng kanyang mga nakagisnang kakanin tulad ng puto ube, kutsinta, palitaw, pichi-pichi, tamales, panara at sapin-sapin.

Cyberlongganisa
Ito’y isang kalipunan ng mga links hinggil sa pagkain at pagluluto na matagal nang sinusubaybayan ni Juana.

Bagong Luto!!!
Dito matatagpuan ang anumang pagbabago’t mga update sa kusina ni Juana. Babala: Si Juana’y likas na tamad kaya’t ia-update lang ang pahinang ito kapag siya’y sinusumpong ng sipag.

Mga Tira
Dito ninyo hanapin ang mga nakaraang siping naging tampok sa kusina ni Juana.

SA KUSINA NI JUANA
PAMBUNGAD | ANG MGA NILALAMAN | ANO'NG ULAM? | O, KAY TAMIS!
CYBERLONGGANISA | BAGONG LUTO!!!
MGA TIRA